Nagwagi ng ₱10 milyon ang isang 50-anyos na housewife matapos tumama sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Abril 7, 2026.
Nanalo ang lucky winner mula sa Cagayan de Oro City sa pamamagitan ng Lucky Pick (LP) entry sa halagang ₱25.
Tumama siya sa winning combination na 06-37-23-02-39-31.
Kasama ang kaniyang anak, lumipag pa-Maynila ang lucky winner at personal na kinubra ang milyon-milyong premyo noong Abril 16.
Ayon sa PCSO, 10 taon nang tumataya ang naturang housewife sa Lotto.
Samantala, gagamitin ng lucky winner ang kaniyang premyo sa pagpapatayo ng sariling bahay at sa pagnenegosyo.
“Uunahin ko po na magkaroon po muna kami ng sariling bahay ng pamilya ko at yung matitirang budget ay ilalaan ko sa maliit na negosyo para naman po sa pantustos sa pag-aaral ng aming mga anak," anang housewife sa panayam niya sa PCSO.
Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.