Mariing tinutulan ng US-born global leader ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV ang umano’y mga aksyong “unjust” o hindi makatarungan at pagkitil sa buhay ng maraming indibidwal.
Ayon sa inilabas na video ng Vatican News sa kanilang “X” account nitong Biyernes, Abril 24, 2026, mapapanood ang pagsasalita ni Pope Leo XIV sa loob ng eroplanong sinasakyan niya pabalik pabalik ng Rome matapos niyang manggaling sa Equatorial Guinea.
Ani Pope Leo XIV, mariin daw niyang kinokondena ang lahat ng mga aksyong hindi makatarungan, pagkitil sa buhay ng isang tao, at ang “capital punishment” o pagpaparusa ng kamatayan.
“I condemn all actions that are unjust, I condemn the taking of people’s lives, I condemn capital punishment,” pagsisimula niya.
Anang Papa, naniniwala raw kasi siyang dapat na respetuhin at maprotektahan ang buhay ng lahat ng tao.
“I believe that human life is to be respected and that all people, from conception to natural [death], their lives should be respected and protected,” aniya.
Dahil rito, mariin niyang kinokondena ang isang bansang magdedesisyong kitilin ang buhay ng nakararami.
“So when a regime, when a country takes decisions, which takes away the lives of other people unjustly, then obviously that is something that should be condemned,” pagtatapos ni Pope Leo XIV.
Kaugnay nito, matatandaang noon pang Abril 12 nananawagan si Pope Leo XIV na maintindihan ng malalaking bansa, partikular ng United States, Israel, at Iran, ang idinudulot ng digmaan at pag-asa sa sangkatauhan.
Aniya, dapat na raw wakasan ang pag-iidolo sa sarili, ang pagmamalaki ng kapangyarihan, at ang digmaang nakakaapekto sa lahat ng tao sa mundo.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Enough of war!’ Pope Leo XIV, ipinanawagan tigil-giyera sa Middle East
KAUGNAY NA BALITA: Trump, itinangging gagamit sila ng nuclear weapon kontra Iran!