May 14, 2026

Home FEATURES

Malaking bulaklak na may pambihirang amoy, muling natagpuan!

Malaking bulaklak na may pambihirang amoy, muling natagpuan!
Photo courtesy: DENR Central Luzon/FB


Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Luzon nitong Biyernes, Abril 24, ang ilang dokumentasyon ng muling namataang rare Rafflesia lagascae sa kagubatan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa DENR Central Luzon, ito na ang ikalawang pagkakatagpo sa naturang bulaklak, matapos ang unang dokumentasyon nito noong 2022 sa parehong bayan.

Nakita ang rare Rafflesia lagascae matapos isagawa ng DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Baliwag ang isang Forest Resources Assessment, kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office ng Doña Remedios Trinidad.

Batay sa pahayag ni DENR Regional Executive Director Ralph Pablo, patunay ang muling pagkakakita sa bulaklak sa mayabong na “biodiversity” sa lugar.

“The presence of R. lagascae indicates that the area remains biologically rich and relatively undisturbed. This discovery further strengthens our resolve to continue enhancing conservation initiatives and partnerships with local government units and communities to protect these critical habitats,” saad ni Pablo.

Paliwanag ng DENR, ang Rafflesia lagascae ay isang uri ng bulaklak na “endemic” o makikita lamang sa mabundok na bahagi ng Luzon.

“R. lagascae is a rare, parasitic, and endemic plant species found only in the mountainous areas of Luzon,” anang DENR.

“Known for its large bloom and distinct odor, it is considered an important indicator of a healthy ecosystem,” dagdag pa nila.

Sa usaping biodiversity at ecosystem, iniulat din ng DENR Soccsksargen na namataan naman nila sa lalawigan ng Sarangani ang aabot sa 3,000 paniki, na isang tanda rin ng malusog na ecosystem sa lugar.

MAKI-BALITA: 3K paniki, namataan sa Sarangani; indikasyon ng malusog na ecosystem?-Balita