Aminado si Kapamilya actress Bela Padilla na hindi bagay sa kaniya ang marubdob na pakikipaghalikan sa mga pelikula.
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa love scene nila ng co-star niyang si Carlo Aquino sa kanilang reunion movie na “A Special Memory.”
“In this movie, in ‘A Special Memory,’ Carlo and I have two love scenes in the film. But they’re very tastefully done, and they are important in the story,” lahad ni Bela.
“It was my first time to shoot a love scene in the film,” pagpapatuloy niya, “So I was really so scared. “
Ngunit pasubali ng aktres, “Direk Jerry [Lopez Sineneng] is so helpful and gracious and brilliant na he prepped my mind so much. Carlo naman is a veteran, and you know, he took care of me on a set.”
Ayon kay Bela, sumangguni pa raw siya kay Direk Irene Villamor nang malaman niyang mayroong love scene sa pelikula nila ni Carlo.
“And she [Irene] said, ‘Okay, get a piece of paper and pen and write this down.’ Tanungin mo si Carlo, ‘Okay lang ba sa ‘yo hawakan ko kamay mo? Okay lang ba ‘yong kamay ko pumunta sa pisngi mo.’ So, very technical,” saad niya.
Usisa naman ni Boy, “But you wouldn’t do a torrid kissing scene on film? “
“Parang hindi rin kasi bagay sa akin, Tito Boy,” sagot ni Bela. “Parang ang branding ko talaga mapanakit, e. Parang do’n na ko kilala, e.”
Ang “A Special Memory” ay isang romance-drama film at Philippine adaptation mula sa premyadong Japanese series na “Pure Soul.”
Nakasentro ito sa dalawang taong nagkamabuthan. Ngunit kalunan, tatamaan ng early-onset Alzheimer’s disease ang isa sa kanila, na siyang magpapabago sa takbo ng kanilang relasyon.