July 23, 2026

Home FEATURES Trending

‘Biyaheng langit ba kamo?’ Road sign sa Benguet-Nueva Vizcaya road, agaw pansin!

‘Biyaheng langit ba kamo?’ Road sign sa Benguet-Nueva Vizcaya road, agaw pansin!
Photo courtesy: Blgu Ambuklao (FB)

Nagsilbing kakila-kilabot na babala sa mga motorista ang road signage sa gilid Benguet-Nueva Vizcaya Road dahil sa nakatirik na kabaong dito. 

Katabi ng ngayo’y viral na kabaong sa gilid ng highway, nakasulat ang paalalang, “Ang mamatay o mabuhay ng dahil sa iyo. Ingatan ang nag-iisang buhay, magmaneho ng mahusay.” 

Hiling ni Ambuklao Punong Barangay Rey Tello sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Hulyo 5, nawa’y maging positibong paalala ang signage sa publiko sa kahalagahan ng road safety. 

Gayundin ang pagiging maingat at disiplinado sa daan bilang pagpapahalaga sa bawat buhay ng dumadaan dito. 

“We sincerely ask everyone to take it positively.This is not intended to offend, frighten, and disrespect anyone. Rather,it is a symbolic reminder of the importance of road safety and the consequences that can result from reckless driving,” ani Tello. 

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

“Let this serve as a call for all motorists and commuters to exercise caution, obey traffic rules and value every life on the road,” dagdag pa niya.