February 20, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

‘FPJ’s Batang Quiapo,’ magwawakas na!

‘FPJ’s Batang Quiapo,’ magwawakas na!
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT), Dreamscape Entertainment (FB)

Inanunsiyo ni Kapamilya Primetime King Coco Martin ang nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahan niyang serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Biyernes, Pebrero 20, kinumpirma ni Coco ang bulung-bulungang magwawakas na umano ang serye.

“Actually,” sabi ni Coco, “dati ang daming nagtatanong sa akin niyan. Kasi nga siyempre nabalitaan nila ‘yong nangyari sa network na nagkaroon ng problema. Laging sinasabi sa akin na parang tatapusin na yata ang ‘Batang Quiapo.’”

“Kami naman bilang mga manggagawa, bilang mga empleyado, naghihintay lang kaming kausapin ng management kung ano ang decision. Wala namang sinasabi sa amin. Ang sinasabi lang lagi sa amin, ‘Basta tuloy n’yo,’” dugtong pa niya.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Pero nang maramdaman umano ng Kapamilya Primetime King ang hangganan ng kuwento ni “Tanggol,” nagpasya na siyang tuldukan ito.

“Ito na ‘yong tamang pagkakataon para tapusin ang show,” aniya.

Nakatakdang matuldukan ang “Batang Quiapo” sa Marso 13.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Coco na pinaghandaan nila nang bongga ang finale ng serye kumpara sa naging wakas ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Matatandaang tatlong taon nang umeere ang “Batang Quiapo.” Nagsimula ito noong Pebrero 13, 2023.