Hindi pa man natatagalan simula nang pumasok ang 2026, ginulantang noong huling araw ng Pebrero ang buong mundo sa pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran, na ikinasawi kalaunan ng Supreme Leader ng naturang bansa.
Kaya sa gitna ng ganitong krisis, mahalagang gunitain ang esensya ng National Kiss of Hope Day. Ipinagdiriwang ito taon-taon tuwing huling Sabado ng Abril.
Pinaniniwalaang pinasimulan ni Bill Gobin noong 2015 ang naturang pagdiriwang. Isang single parent si Gobin at nagtatrabaho bilang co-parenting strategist. Siya rin ang nagtatag ng Kiss of Hope (KOH) Foundation.
Layunin umano nitong maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilya at komunidad sa Amerika.
Sa araw na ito, hinihimok ang bawat isa na magsilbing pag-asa sa ibang nauubusan na nito. Mag-abot ng tulong sa sinomang dumaranas ng hirap at kagipitan sa buhay.
Ayon sa website ng National Today, iba't ibang fund raising activities umano ang inoorganisa upang makatulong sa mga pamilyang nangangailangan ng pinansiyal na suporta sa Amerika.
Bukod dito, iniipon din ang pondong galing dito para makapagbigay ng tirahan para sa mga pamilya walang matutuluyan.
Batay kasi sa tala, umaabot umano sa 4 na milyong pamilya ang dumaranas ng kakulangan sa pagkain at 2.3 milyong sa mga ito ay nakakabayad ng buwanang upa.