February 20, 2026

Home BALITA Probinsya

9-anyos na paslit, sangkot sa motorcycle robbery sa Cavite!

9-anyos na paslit, sangkot sa motorcycle robbery sa Cavite!

Pitong menor de edad, kabilang ang isang siyam na taong gulang, ang umano’y sangkot sa pagnanakaw sa isang motorcycle store sa Barangay Santiago, General Trias City, Cavite.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A, kinilala ang mga children in conflict with the law (CICL) bilang sina alias Jay, 16; alias Tahniel, 13; alias Chokoy, 11; alias Burnok, 12; alias Kalbo, 13; alias Junior, 9; at alias Yuri, 13.

Sa paunang imbestigasyon, nagtungo ang complainant sa tindahan bandang alas-5:00 ng umaga sa araw ng insidente at nadiskubreng bukas ang lahat ng drawer at nakakalat ang mga susi.

Bukas din ang main gate ng tindahan at pilit na sinira ang padlock. Nang suriin pa, napag-alamang nawawala ang dalawang motorsiklo sa loob ng establisimyento.

Probinsya

Bangkay ng 12-anyos na babae, natagpuang nabubulok at nakatali sa puno

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang General Trias Component City Police Station at sa tulong ng mga CCTV sa paligid ay natukoy ang mga suspek.

Kinagabihan, boluntaryong isinuko ng mga magulang sa Barangay Santiago sina alias Jay at alias Tahniel kasama ang mga nabawing motorsiklo.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang dalawang sumukong CICL ang sumira sa kandado ng main gate at kumuha ng dalawang motorsiklo habang nagsilbing lookouts ang kanilang mga kasamahan.

Ang dalawang CICL ay itinurn-over sa social welfare and development office para sa kaukulang disposisyon. Habang patuloy naman ang imbestigasyon sa iba pang mga snagkot.