February 19, 2026

Home BALITA Probinsya

Sanggol, inilibing nang buhay ng sariling ina!

Sanggol, inilibing nang buhay ng sariling ina!

Patay ang isang bagong silang na sanggol matapos matagpuang nakalibing sa isang bukid sa Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, isang negosyante ang nagpunta sa kaniyang taniman ng mais nang mapansin ang mga bakas ng dugo sa lugar. 

Humingi siya ng tulong sa kaniyang mga tauhan upang hanapin ang pinagmulan nito ngunit walang natagpuan kaya agad niya itong iniulat sa mga opisyal ng barangay.

Kasama ang ilang residente, binalikan nila ang lugar at napansin ang kahina-hinalang tambak ng damo. Nang halukayin ito, tumambad ang isang itim na plastik bag na nakabaon sa lupa.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

Sa loob ng plastik ay isang bagong silang na sanggol na buhay pa ngunit nasa kritikal na kondisyon. Agad itong isinugod sa Bayambang District Hospital subalit binawian din ng buhay habang ginagamot. Cardiorespiratory arrest ang tinukoy ng doktor na sanhi ng pagkamatay.

Sa follow-up investigation ng pulisya, natukoy ang suspek na pinaniniwalaang ina ng sanggol — isang 32-anyos na babaeng may asawa, nagtatrabaho bilang lady guard at residente rin ng Bayambang.

Naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong infanticide.