February 18, 2026

Home SHOWBIZ

Meg Imperial, imbyerna kay Alvin Aragon: 'Perfect ka?'

Meg Imperial, imbyerna kay Alvin Aragon: 'Perfect ka?'
Photo Courtesy: Meg Imperial, Alvin Aragon (FB)

Maging ang aktres na si Meg Imperial ay nanggigil sa mister ni SexBomb Girls member Izzy Trazona na si Alvin Aragon dahil sa mga sablay na pahayag nito.

Sa isang Facebook post ni Meg noong Martes, Pebrero 17, sinabi niyang bagama’t ayos lang maging relihiyoso at magkaroon ng sariling paniniwala, hindi umano kinakailangang magtunog superyor.

Aniya, “Okay lang maging religious at may sariling paniniwala. Pero hindi mo kailangang mag-name-drop at magtunog ng superior para patunayan ‘yan. Hindi lahat pareho ng values mo, at okay lang ‘yon.”

“At isa pa, nakilala mo siya [Izzy] as a dancer. That’s a job. Hindi ‘yon kabastusan, hindi rin kahihiyan. It’s a profession, and she deserves respect as a person,” dugtong pa ni Meg.

'Walang halong kaplastikan!' Sunshine Garcia, ipagdarasal buong pamilya ni Izzy Trazona

Iginiit din ng aktres na kung may pagbabago mang gusto ang isang babae, kinakailangang kusa itong magmumula rito at hindi para sumakto sa pamantayang gusto ng sinoman.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Alvin kamakailan matapos niyang sagutin ang ilang tanong sa kaniya sa isang panayam ng radyo-pahayagan patungkol sa ilang mga isyu. 

Una na rito ang pagpapaliwanag niya kung bakit hindi kasama sa pawang matatagumpay na reunion concerts ng iconic girl group ang misis niya. 

Bukod pa rito, nagbigay rin siya ng pananaw tungkol sa pagiging transwoman ng panganay na anak ni Izzy na si Andrei "Sofia" Trazona.

Basahin: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality