February 18, 2026

Home BALITA Probinsya

2 musmos na magkapatid, patay matapos pagsasaksakin ng sariling ina!

2 musmos na magkapatid, patay matapos pagsasaksakin ng sariling ina!
Photo courtesy: Contributed photo

Patay na nang natagpuan ang katawan ng isang tatlong taong gulang na batang lalaki at pitong buwang gulang na sanggol niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Davao de Oro.

Ayon sa mga ulat, mismong ang sariling ina ng mga biktima ang sumaksak sa magkapatid habang sila ay natutulog.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng pagtatalo ang suspek at ama ng mga biktima na nagtatrabaho sa General Santos City bago mangyari ang krimen.

Samantala, matapos ang krimen, ginilitan din ng suspek ang kaniyang sarili ngunit bigo itong maktil ang kaniyang buhay at ngayo’y kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.

Probinsya

Kinuyog sa kadugyutan! SK chairman sa Laguna, nag-sorry sa paghawak sa mga panindang siopao at hotdog

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng suspek.

Ayon pa sa mga awtoridad, isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na may pinagdaraanang matinding depresyon ang suspek.