July 23, 2026

Home FEATURES Tourism

4 destinations in one trip: Tuklasin ang B.I.G.G. adventure!

4 destinations in one trip: Tuklasin ang B.I.G.G. adventure!
Photo courtesy: Nicole Therise Marcelo/BALITA

Isang biyahe lang pero apat na pasyalan agad? Oo, posible!

Kung gusto mong sulitin ang oras at budget sa susunod mong gala, baka ito na ang itinerary na hinahanap mo!

Sa B.I.G.G. tour, mararanasan mong libutin ang Bacolod, Iloilo, Guimaras, at Gigantes Island o Islas de Gigantes sa iisang biyahe—perfect para sa mga mahilig sa road trip, island hopping, food trip, at sightseeing.

Kaya kung naghahanap ka ng travel experience na sulit sa bawat araw, tara at tuklasin ang apat na destinasyong ito sa isang unforgettable trip.

FLIGHT 

Tourism

Cebu Pacific, may ₱88 seat sale para sa Araw ng Kagitingan!

Kung manggagaling kang Maynila, mag-book ng flight from Manila to Iloilo (vice versa). Mag-abang ng seat sales para mas makatipid.

Mas maganda kung early ang flight mo. Puwede naman mag-iwan ng gamit sa hotel at simulan ang travel. 

HOTEL

Of course, once nakapag-book ka ng flight, isunod mo ang pagbo-book ng hotel. Mas maganda kung maghahanap ka ng hotel sa city para makapag-city tour ka na rin. 

CITY AND ISLAND TOUR

Sa Bacolod, Iloilo City, at Guimaras, puwede namang mag-DIY (do-it-yourself) tour. Mag-rent ka lang ng motorcycle para malibot mo na ang mga lugar na ito. Kung mas gusto mo naman ng hassle-free na biyahe, marami ring city tour packages na puwedeng i-book sa mga legit online travel platform. Maging alerto lang sa mga posibleng scam ha?

Sa Gigantes Island, need mo rito ng island tour para sa island hopping. Puwede ka naman mag-book mismo sa lugar or mag-advance booking ka na lang sa mga legit online travel platform. Bukod sa makakatipid ka sa oras, mas sigurado ka pang may slot sa tour. Kapag nag-island tour, 6-7 islands ang pupuntahan. Sulit na rin! 

ITINERARY FOR THE B.I.G.G TRIP!

Kung may 4 hanggang 5 days kang bakasyon, puwede mong sundan ang itinerary na ito para masulit ang trip mo. Syempre, guide lang ito, puwede mo pa rin itong i-adjust depende sa budget, oras, at mga lugar na gusto mong unahin. 

DAY 1: ILOILO - BACOLOD

Simulan ang B.I.G.G adventure sa Bacolod! Puwede mo ito i-day tour. 

1. Mula sa Iloilo City o kung saan ang hotel mo, mag-book ng sasakyan o mag-commute papuntang New Iloilo Ferry Terminal. 
Note: I-check muna ang schedule ng ferry online bago pumunta. 
2. Maghanda ng ₱12 para sa entrance ng binook na sasakyan. May resibo naman ito.
3. Bumili ng ticket para sa ferry. Nagre-range ito ng ₱500-600. 
4. Magbabayad din ng terminal fee na ₱30.
5. Hintayin lang ang departure. Ang oras ng biyahe ay 1 hour and 30 minutes o 'di kaya 2 hours depende sa napiling ferry line. 
6. Pagdating sa Bacolod, mag-ready ulit ng ₱12 kung magbo-book ulit ng sasakyan.

Places to visit sa Bacolod:
1. Manukan Country para sa famous Bacolod Chicken Inasal
2. Negros Museum
3. The Ruins
4. Bacolod Public Plaza
5. Bacolod City Welcome Marker
6. San Sebastian Cathedral
7. Government center para sa pasalubong

Kung babalik na sa Iloilo, mag-book lang ng sasakyan papuntang BREDCO Seaport. 

DAY 2: ILOILO CITY TOUR

Kung gusto mo naman masulit ang Iloilo City at iba pang lugar, puwede kang mag-avail ng city tour package or mag-DIY.

Kung mag-DIY, mas mainam kung magrerenta ng motor para makatipid sa pamasahe. May kamahalan kasi kapag nag-book ng sasakyan.

Places to visit sa Iloilo (malayo to malapit):
1. Garin Farm
2. Buklod - Little Batanes
3. Miag-ao Church
4. Guimbal Church
5. Molo Mansion
6. Molo Church
7. Iloilo Esplanade
8. Festive Walk
9. Jaro Cathedral
10. Jaro Belfry Tower
11. Museo Iloilo

DAY 3: ILOILO - GUIMARAS

Sa Guimaras, puwede mo ito i-DIY or kumuha ng city tour package.

Pero kung i-DIY mo ang pagpunta sa tinaguriang Mango Capital of the Philippines, narito ang guide:

1. Kung nakamotorsiklo ka, pumunta sa Jordan Port sa Iloilo para makasakay ng roro. 
2. Pagdating doon, bumili ng ticket at magbayad ng terminal fee. 
3. Magtanong sa mga tao doon kung saang roro sasakay. 
4. Ang oras ng biyahe ay 18 to 20 minutes lang.

Kung hindi ka naman naka-motor, puwede rin sumakay ng ferry. 

Places to visit sa Guimaras:
1. Guisi Light House
2. Trappist Monastery 
3. Guimaras Signage
4. Pitstop mango pizza

Kung pabalik ng Iloilo, pumunta lang sa Parol Port sa Guimaras para makasakay ulit sa roro. Take note, tingnan ang schedule ng roro bago pumunta at bumalik. 

DAY 4: GIGANTES ISLANDS O ISLA DE GIGANTES

Gaya nang nabanggit ko, kailangan dito ng island tour. May 6-7 islands na pupuntahan at syempre nakadepende pa rin ito sa lagay ng panahon. 

Kalimitang nagsisimula ang tour ng 8:30 ng umaga. Pero ang oras ng biyahe papuntang Carles Port sa Iloilo ay halos 3 oras.

Pagdating sa Carles, may 1 hour na biyahe papunta sa unang island. Kaya i-ready mo na ang sunscreen!

Mga island na pupuntahan:
1. Cabugao Gamay
2. Antonia Beach
3. Mini Boracay
4. Bantigue Sandbar
5. Lantangan 
6. Tanke Saltwater Lake
7. Pulupandan

DAY 5: REST DAY

Pagkatapos ng 4-day tour, dasurb mo rin magpahinga bago ulit bumalik ng Maynila at magpaalipin sa salapi eme!

Sa Day 5, puwede mo rin dito ilagay yung mga lugar na hindi mo pa napuntahan. Puwede ka rin dito mamili ng mga pasalubong. 

As we end this tour, huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos for the safe trip and provision para sa travel na ito.

Kaya ano pa ang hinihintay mo? I-ready na ang itinerary, mag-abang ng seat sale, at simulan na ang pagpaplano ng susunod mong gala. Happy travels!

---

May iba ka pa bang travel destination na gusto naming i-feature? Ipaalam sa amin at baka ito na ang susunod naming travel guide!