July 23, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Asong nasagip bago isailalim sa euthanasia, lilipad na sa US!

Asong nasagip bago isailalim sa euthanasia, lilipad na sa US!
Photo courtesy: PAWS (FB)

Nakatakdang lumipad sa kaniyang fur-ever home sa Massachusetts, USA, ang asong si Felicia, na nailigtas ilang araw bago siya isailalim sa euthanasia sa isla ng Aklan. 

Ibinahagi ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa kanilang social media noong Lunes, Hulyo 20, na nasagip si Felicia ng Aklan Animal Rescue and Rehabilitation Center bago ang kaniyang scheduled euthanasia sa isang local pound. 

Sa kabutihang palad, si Felicia ay inampon ng isang adopter mula sa Massachusetts, na si “Katie.”

Habang pinaghahandaan ang kaniyang flight, si Felicia ay pansamantalang nanirahan sa PAWS shelter, kung saan siya nagpalakas, sumailalim sa treatments, at tinulungan sa kaniyang mga dokumento. 

Sa nasabi ring post, pinasalamatan ng PAWS ang ilang miyembro ng Philippine Airlines Marketing Team, na personal ding bumisita kay Felicia, habang umaandar ang preparasyon sa kaniyang flight. 

Kahayupan (Pets)

ALAMIN: Mga puwedeng gawin kapag may ahas sa loob ng bahay ninyo!