July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

SK counselor arestado sa pagsapak sa kanilang Kapitana!

SK counselor arestado sa pagsapak sa kanilang Kapitana!
Photo courtesy: Unsplash

Arestado ang isang 25-anyos na babaeng Sangguniang Kabataan (SK) councilor matapos umanong suntukin ang kanilang 52-anyos na barangay captain habang isinasagawa ang isang mediation sa Barangay Hall ng Barangay Dugoan, Sibonga, Cebu, noong hapon ng Huwebes, Hulyo 23.

Ayon sa Sibonga Municipal Police Station, nagsimula ang insidente sa alitan sa pagitan ng ina ng SK councilor at ng kaniyang bayaw kaugnay ng pananatili nito sa bahay ng kanilang pamilya.

Ipinatawag sa barangay hall ang magkabilang panig upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan. 

Sa gitna ng pag-uusap, inamin umano ng bayaw ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin, subalit iginiit ng ina ng SK councilor na dapat ay umalis na lang ito sa kanilang tahanan.

Sa kasagsagan ng mediation, nakialam umano ang SK councilor at hinarap ang kaniyang bayaw. Dahil hindi siya kabilang sa mga direktang sangkot sa usapin, hiniling umano ng barangay captain na lumabas muna siya sa barangay hall.

Probinsya

DepEd, iniimbestigahan na pagkasawi ng Grade 3 learner sa Davao City

Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon ng komosyon sa loob ng barangay hall. 

Habang sinusubukan umanong awatin ang tensyon, sinuntok umano ng SK councilor ang barangay captain sa mukha.

Nagtamo ng mga gasgas sa mukha ang opisyal ng barangay at nasira rin ang kanyang salamin dahil sa insidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang SK councilor, habang nakatakdang magsampa ng reklamong direct assault ang barangay captain laban sa kaniya. 

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari.