July 25, 2026

Home BALITA Metro

Bangkay ng babaeng nakasilid sa maleta, natagpuan sa Taguig!

Bangkay ng babaeng nakasilid sa maleta, natagpuan sa Taguig!
Photo courtesy: Unsplash

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan sa loob ng isang maleta na inanod sa isang creek sa Barangay Tanyag, Taguig City nitong Biyernesngay Tanyag, Taguig City nitong Biyernes, Hulyo 24, 2026.

Ayon sa Taguig City Police, nadiskubre ang maleta matapos itong mapansing nakabara sa creek sa Purok 5 kasunod ng malakas na pag-ulan dulot ng sama ng panahon.

Sa isinagawang pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), natagpuang nakabalot sa garbage bag ang katawan ng biktima. 

Lumitaw din sa paunang imbestigasyon na ilang araw na itong patay batay sa kondisyon ng labi.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at ang posibleng motibo sa krimen.

Metro

‘Shortened operations,’ ipinatupad sa LRT-2 ngayong Hulyo 25

Ayon kay Taguig City Police spokesperson Capt. Melvin Garcia, may posibilidad na hindi sa Taguig isinagawa ang pagpatay at maaaring inanod lamang ang maleta patungo sa naturang creek dahil sa malakas na agos ng tubig.

Naniniwala ang mga imbestigador na maaaring nagmula ang maleta sa direksyon ng Manila Bay bago ito napadpad at naipit sa daluyan ng tubig sa Barangay Tanyag.

Hinihikayat naman ng Taguig City Police ang sinumang may impormasyon hinggil sa insidente o maaaring makatulong sa pagkilala sa biktima at sa mga responsable sa krimen na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.