July 21, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Masasamang dulot sa pagsupsop, pagsubo ng lollipop

ALAMIN: Masasamang dulot sa pagsupsop, pagsubo ng lollipop
Photo Courtesy: Pexels

Isang sikat na uri ng hard candy ang lollipop na nakalagay sa isang stick. Iba-iba ang hugis nito. Depende sa gumawa. Madalas, bilog na parang globo. Pero minsan, hugis puso.

Dinisenyo ang lollipop para supsupin o dilaan hanggang sa lumiit at maubos. Paborito ito ng marami—bata man o matanda.

Kaya naman hindi nakapagtataka na naglaan pa ng isang araw para sa candy na ito. Tuwing papatak ang ika-20 ng Hulyo, ipinagdiriwang sa Amerika ang National Lollipop Day.

Bagama't matagal nang umiiral sa kasaysayan ang konsepto ng lollipop bilang isang uri ng candy, pinaniniwalaang si George Smith ang nagpakilala ng modern lollipop sa New Haven, Connecticut noong 1908.

Ginawa niya ito upang maiwasan umanong malunok ng bata ang candy. Ngunit sapat na ba ito para malayo sa panganib at masasamang dulot ng lollipop ang komukonsumo nito, partikular ang mga bata?

Tourism

4 destinations in one trip: Tuklasin ang B.I.G.G adventure!

Ayon sa Daisy First Aid, isang UK-based, multi-award-winning training provider, bagama’t hindi halatang nakakapaminsala ang lollipop, ito raw ang isa sa mga major choking hazards para sa mga batang edad lima pababa. Ang pabilog nitong hugis ay maaaring maging dahilan ng pagbabara sa airway ng mga bata.

Samantala, sa isang artikulo naman ni Trine Jensen na nalathala sa website na "Everymum" noong nakaraang taon, ibinahagi niya ang tungkol sa pamangkin niyang nagasgas ang lalamunan dahil sa stick ng lollipop matapos matanggal ang candy na nakalagay rito.

Bukod dito, wala ring makukuhang nutritional value sa lollipop dahil puro refined sugars lang ang content nito at artificial dyes. 

At ang pagkonsumo ng mataas na amount ng sugar ay puwedeng humantong sa mabilis na energy spikes na posibleng maging dahilan para mahirapan ang isang tao na mapanatili ang kaniyang atensyon sa isang bagay.

Idagdag pa na ang mga bacteria sa bibig ay kumokonsumo ng sugar at lumilikha ng mga asidong aktibong sumisira sa enamel ng ngipin na pangunahing sanhi ng cavities at pagkabulok ng ngipin.