Damang-dama ang nagdaang Valentine’s Day para sa maraming atleta sa Winter Olympics nang maubos agad ang libreng 10,000 condoms sa loob lamang ng tatlong araw.
Kinumpirma ng International Olympic Committee (IOC) noong Sabado, Pebrero 14, na agad nasimot ng tinatayang 2,800 atleta ng Winter Olympics ang libreng 10,000 condoms sa Milan Cortina, Italy.
“This clearly shows that Valentine’s Day is in full-swing in the village,” saad ni Int’l Olympic Committee Spokesperson Mark Adams sa isang press briefing noong Pebrero 14.
"As you say, it is rule 62 of the Olympic Charter that we have to have a condom story. But I think 10,000 have been used. So 2,800 athletes, you can go figure as they say,” dagdag pa ni Adams.
Base sa mga ulat ng international media, ang pamamahagi ng condoms ay regalo ng organizers sa mga atleta, na naging parte na ng olympic traditions sa mga nagdaang dekada para mapataas ang kalinangan ng mga atleta sa sexually transmitted diseases (STDs).
Kaya ayon kay Alpine skier, Mialitiana Clerc, ang condoms ay nagsisilbi ding “take home gift” ng maraming atleta para sa mga kaibigan nila, bukod sa mga medalyang naiuuwi matapos ang mga laro.
“I already know that a lot of people are using some condoms or maybe just taking them to give to their friends out of the Olympics because it’s kind of a gift for them. Maybe they’re using it just as a gift, just for fun,” aniya.
Dahil dito, ipinangako ng organizers na magpapadala pa sila ng mga bagong batch ng condoms sa mga susunod pang araw ng Olympics, na aandar hanggang Pebrero 22.
Sean Antonio/BALITA