May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

'If they misbehave!' Trump, nakahanda pa ring makipagbombahan sa Iran!

'If they misbehave!' Trump, nakahanda pa ring makipagbombahan sa Iran!
Photo courtesy: via AP News

Inihayag ni US President Donald Trump noong Sabado, Mayo 2, 2026, na nakatakda pa rin daw nilang atakihin ang Iran, sa kabila ng lumulutang na kasunduan sa pagitan nilang dalawa.

Nang tanungin si Trump bago sumakay ng eroplano patungong Miami mula West Palm Beach, Florida, iginiit niya sa media na, "They told me about the concept of the deal. They're going to give me the exact wording now."

Nang tanungin kung muling magsasagawa ng strikes laban sa Iran, saad ni Trump, "I don't want to say that. I mean, I can’t tell that to a reporter. If they misbehave, if they do something bad, right now we’ll see. But it’s a possibility that could happen."

Ayon sa isang mataas na opisyal ng Iran, ang panukalang inihain ng Tehran—na hanggang ngayon ay hindi pa tinatanggap ni Trump—ay magbubukas muli ng shipping sa Strait of Hormuz at magtatapos sa blockade ng U.S. laban sa Iran, habang ipagpapaliban muna ang usapin hinggil sa nuclear program ng bansa.

Paulit-ulit nang sinabi ni Trump na hindi dapat magkaroon ng nuclear weapon ang Iran, at noong Biyernes, Mayo 1 ay ipinahayag niyang hindi siya nasisiyahan sa pinakahuling alok ng Tehran. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Samantala, sinabi naman ng foreign minister ng Iran na handa ang kanilang bansa sa diplomasya kung babaguhin ng US ang approach nito.

Bagaman sinasabi ni Trump na hindi siya nagmamadali, nahaharap siya sa pangangalampag sa loob ng bansa nila na wakasan ang kontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, na nakaapekto sa humigit-kumulang 20% ng pandaigdigang suplay ng langis at gas, at nagdulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa US.

May panganib ding makaranas ng backlash ang Republican Party ni Trump mula sa mga botante dahil sa mataas na presyo, lalo na sa nalalapit na midterm elections sa Nobyembre.

Ayon sa Iranian media, kabilang sa 14-point proposal ng Tehran ang:

Pag-atras ng puwersa ng U.S. sa paligid ng Iran

Pag-alis ng blockade

Pagpapalaya sa frozen assets ng Iran

Pagbabayad ng kompensasyon

Pag-angat ng sanctions

Pagwawakas ng digmaan sa lahat ng front, kabilang ang Lebanon

Paglikha ng bagong mekanismo ng kontrol sa Strait of Hormuz

Apat na linggo na ang nakalipas mula nang itigil ng United States at Israel ang pambobomba laban sa Iran, ngunit wala pa ring malinaw na kasunduan upang tuluyang wakasan ang tensyon.