Umaani ng kritisismo mula sa mga netizen ang dalawang miyembro ng jury ng "Your Face Sounds Familiar" na sina singer-songwriter Ogie Alcasid at Megastar Sharon Cuneta dahil sa paraan nila ng pagbibigay ng komento sa performances ng isa sa mga contestant nitong si Rufa Mae Quinto.
Partikular na pinuna ng mga netizen sina Ogie at Sharon na tila hindi na raw nagbigay ng seryosong komento kay Peachy, sa naging performance ng sexy comedy star sa panggagaya niya kay Kitchie Nadal, na aniya, ay pinsan daw niya.
Nagbigay pa ng video message si Kitchie para sa kaniyang pinsang si Rufa Mae, na in fairness naman, talagang nakuha ang timbre ng boses ng singer.
Sa oras naman ng pagbibigay ng komento, idinaan naman ito nina Sharon at Ogie sa usual biruan nila kay Rufa Mae, na game din namang bumabanat ng joke sa kanila.
Ayon naman sa isa sa mga miyembro ng jury na si Gary Valenciano, palagay niya, ang naging panggagaya ni Rufa Mae kay Kitchie ang isa sa mga pinaka-relax niyang performance; meaning, relaxed niyang ginagawa ang dapat gawin at naideliver naman ng maayos.
Banat ng ilang netizens, tila hindi na raw makakakuha ng "matinong" komento si Rufa Mae mula kina Ogie at Sharon kahit nakikita namang sineseryoso nito ang ginagawa.
Narito ang ilan sa mga kuda at hanash ng netizens:
"Nakakalung lang… Serious na nga yung performance ni Rufa Mae Quinto, so sana yung mga comments para sa kanya ay seryoso na rin. Hindi naman niya dinogshow yung performance, pero yung comments sa kanya ay dogshow. Haist. Sana naman bigyan siya ng matinong comment."
"Walang ginawa si ogie Alcasid kundi laitin si rufa mae. Nakakapagod sya panoorin. Every week nilalait at inuundermine si peachy kahit pa joke pa. If every week mo ginagawa hindi n nakakatawa."
"Hindi na funny yung laging pagtawa ni Sharon at panlalait ni Ogie kay Rufa Mae Sa true lang."
"Ruffa is a comedian, yes. Tapos nasa process p sya ng healing tapos ginaganyan na sya. Kaya din siguro sya umiyak nung nag-Fergue sya."
Sa kabilang banda, may ilang netizens din naman ang nagtanggol para sa panig naman nina Ogie at Shawie.
"Ngeh mediocre performance naman talaga. Hindi ka face. Hindi ka sound. Kaya nga dinadaan na lang sa comedy.
Ninakawan nga nila si Alexa ng panalo not once but twice. Top 1 sa jury pero ni isang co-contestants hindi man lang siya binoto. Nung ginaya ni Alexa si Yeng at Olivia. Alexa dapat weekly winner dun eh. Pinanalo sina Aki at Rufa Mae kasi di pa sila nananalo. Oh di ba Your Face Sounds Awa pala eto. Tapos mga faneys ni Rufa Mae eh daming kuda nanalo na nga idol nila kahit di ganoon ka dasurb. Alam ko sa show na yan Ka boses at kamukha dapat hindi bardagulan. Comedy si Rufa Mae pero pag di na fair o may biased na sa contests di na nakakatawa!"
"Weekly nanood ako niyan and pinaka okay niya lang na performance eh yung kay Moira. Sa awa ng mga other contestants pinanalo na nga kahit mas magaling un Alexa, Jamielle at Jayson sa kanya last week. Yung totohanang score eh top 4-5 lang siya last week dapat. Naawa na nga lang at siya na lang ang di pa nananalo. Pero walang special sa ginawa niya."
"OA comments dito. Sharon and Ogie r friends with ruffa. It gives fun to the show. Nothing condescending with their comments to ruffa. Game din si ruffa."
"It’s all in spirit of fun. Nothing demeaning in Sharon and Igor’s comments. They’re all friends. KJ mga tao."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag mula sa kampo nina Ogie, Sharon, at Rufa Mae tungkol sa isyu.