Lumulutang ang espekulasyong ang management umano ni Kapuso star Bea Alonzo ang humahadlang sa kasal niya sa bilyonaryo at negosyanteng si Vincent Co.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Mayo 12, nilatag ni showbiz insider Ogie Diaz ang umano’y nakuha niyang pahayag ng management ni Bea.
Nakasaad dito na humihingi ang management ng paumanhin sa biglaang abiso na makakansela umano ang kasal.
"Bea is currently on a flight right now, but she will personally reach out and message everyone as as she lands/ We kindly ask for your understanding and prayers for her during this difficult time," mababasa pa rito.
Bukod dito, nilabas din ni Ogie Diaz ang isa pang pahayag na galing naman umano sa wedding coordinator.
Ani rito, “We would like to let you know that Bea and Vincent's wedding has been postponed to a later date. We will share updated details with you as soon as they become available."
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring pahayag na inilalabas sina Bea at Vincent tungkol sa kasal nila.
Matatandaang umugong kamakailan na hindi na raw matutuloy pa ang kasal ng dalawa batay sa mga nagsulputang blind item.
Maki-Balita: Teleserye yarn? Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co, iniintrigang 'di na tuloy dahil sa prenup!
Mahigit isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang inanunsiyo ng St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Maynila ang marriage banns nina Bea at Vincent.
Sa Pilipinas, ang marriage banns ay itinuturing na abiso sa publiko tungkol sa paparating na kasal. Ipinapaskil ito nang tatlong magkasunod na linggo sa parokya ng bride at groom.
"Ferdinand Vincent Pe Co - Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo - Bride," mababasa sa nasabing marriage banns. Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea sa labas ng show business.
Nagsimulang umugong noong Mayo 2025 ang bulung-bulungan na may namamagitan kina Vincent at Bea matapos silang maispatang magkasama sa Espanya.
Maki-Balita: Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na?