May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Teleserye yarn? Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co, iniintrigang 'di na tuloy dahil sa prenup!

Teleserye yarn? Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co, iniintrigang 'di na tuloy dahil sa prenup!
Photo courtesy: MB File Photo

Lokang-loka na nga ang mga netizen sa panibagong tsikang kumakalat sa social media, na nasa anyong blind item, tungkol sa isang couple na mukhang hindi na raw matutuloy ang kasalan.

Ayon sa mga kumakalat na blind item, nagulantang ang guests at iba pang mga shalang panauhin sa biggest wedding event dahil hindi na nga raw matutuloy ang bonggang kasalang gaganapin sa Spain; gayong nakapag-schedule na raw sila sa iba't ibang ganap nila sa buhay, at sayang din ang mga na-book nilang flight tickets at kasuotan.

Ang siste, batay sa kumakalat na blind item, hindi raw nagkasundo ang partido ng mga ikakasal sa "prenuptial agreement" pagdating sa hatian ng yaman, at sa ilang kondisyon gaya ng pagtira ng newly weds sa isang exclusive subdivision kasama ang parents ng groom.

Bagama't walang tinukoy na mga pangalan sa blind item, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy rito ay sina Kapuso star Bea Alonzo at bilyonaryong businessman na si Vincent Co, na anak lang naman ng mag-asawang Lucio at Susan Co, na dalawa sa mga pinakamayayamang negosyante sa Pilipinas.

Kamakailan nga, napabalitang malapit nang ikasal ang dalawa, matapos lumabas ang marriage banns nila sa isang simbahan sa Maynila.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Maki-Balita: Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na?

Habang maingay na pinag-uusapan sa umpukan ang tungkol sa blind item, nananatiling tahimik naman ang kampo ng dalawa.