June 04, 2026

Home BALITA National

Llamas, tiniradang 'wala palang bitaw' si Sen. Padilla!

Llamas, tiniradang 'wala palang bitaw' si Sen. Padilla!
Photo courtesy: Ronald Llamas (FB), File Photo

Tumirada ang political pundit na si Ronald Llamas kay Sen. Robin Padilla at sinabi niyang wala raw palang bitaw ang senador matapos nitong mag-ambang magsampa ng ethics complaints laban kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan. 

Kaugnay ito sa tila naging mainit na tensyon sa pagitan nina Pangilinan at Padilla sa naganap na plenaryo sa Senado noong Martes, Mayo 12, 2026, nang banggitin ng huli ang tila magandang pagresponde ng Commission on Human Rights (CHR) para kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Matatandang naging usap-usapan ang pakikipaghabulan ni Dela Rosa sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) nang tangkain siyang hulihin ng mga ito upang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya. 

Agad namang nag-point of order si Pangilinan sa binuksang usapin ni Padilla sa plenaryo at sinabi niyang ipagpaliban na munang pag-usapan ang tungkol kay Dela Rosa upang mas mapagtuunan na nila ang iba pang mga usapin.

Nang magtangkang sumingit si Padilla, tila tumaas ang tono ng pagsasalita ni Pangilinan at idiniin niyang nasa kaniya pa rin ang pagkakataon upang magsalita. 

National

Padre Pio Shrine, isa nang international shrine!

Matapos nito, inireklamo naman ni Padilla ang umano'y paninigaw sa kaniya ni Pangilinan hanggang sa hindi nauwi sa aregluhan ang tensyon sa pagitan ng dalawang senador. 

Ani Padilla, pinaplano niya raw sampahan ng ethics complaints si Pangilinan dahil sa naging paninigaw nito sa kaniya, bagay na hindi naman daw uurungan ni Pangilinan at sinabing hindi uubra sa kaniya ang “pambu-bully” at “pasiga-siga.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, Sen. Kiko nagkainitan matapos pag-usapan inabot ni Sen. Bato sa Senado

Samantala, ayon naman sa naging pahayag ni Llamas sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Mayo 13, kinuwestiyon niya ang umano’y “agad” na planong pagsasampa ng reklamo ni Padilla kay Pangilinan dahil lang daw nasigawan ito.

“Nataasan lang ng boses sa gitna ng debate, magpa-file na agad ng ethics complaint?” pagsisimula niya. 

Ani Llamas, wala raw palang bitaw at tira si Padilla sa kabila ng pag-aakala ng marami na matigas ang nasabing senador. 

“Akala ba natin tigas yan? Wala pala bitaw at tira eh,” pagtatapos pa ng political pundit. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag si Padilla kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Sinigawan daw! Sen. Robin, tumangging makipagkamay kay Sen. Kiko

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Kiko, di uurungan bantang ethics complaint ni Sen. Robin: 'Di uubra pasiga-siga sa akin!'