February 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Same angle, different habits!' Paolo Gumabao, bumorta ulit higit 1 buwan lang

'Same angle, different habits!' Paolo Gumabao, bumorta ulit higit 1 buwan lang
Photo courtesy: Paolo Gumabao (FB)

Nagulantang ang mga netizen sa ibinahaging fitness update ng aktor na si Paolo Gumabao matapos niyang ibahagi ang mga larawan ng kaniyang katawan noong Enero 2, 2026 at Pebrero 7, 2026.

Noong Enero 2, makikitang medyo tumaba si Paolo at lumaki rin ang tiyan dahil na rin sa nagdaang holiday season na walang katapusang pagkain ang inatupag ng halos lahat, kabilang na rin ang aktor.

Pero makalipas lamang ang isang buwan at ilang araw, makikitang back on track na ulit ang bortang katawan ni Paolo at lumiit na rin ang tiyan niya.

"Fitness Update : Same angle different habits," mababasa sa Facebook post ni Paolo noong Sabado, Pebrero 7.

Tsika at Intriga

Glaiza, nagsalita na matapos bigyang-malisya sulyap ng mister kay Maris

Inurirat naman ng mga netizen si Paolo kung ano ang naging sikreto niya. Aniya, calorie deficit ang ginawa niya, na sinamahan pa ng sports na basketball na nagsilbing cardio exercise niya.

"To everyone asking how this is possible to achieve in a month. Calorie deficit lang po yan paired with cardio(Basketball)."

"Kung kabisado nyo katawan nyo and you have the will to do it madali lang. That is of course kung wala kayong condition na nagpipigil sa weight loss," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshots from Paolo Gumabao (FB)

Sinagot naman ni Paolo ang isang netizen na tila nagdudang kayang paliitin ang tiyan sa loob lang ng halos isang buwan at ilang araw.

"Hahaha. Khit cno tanungin na gym instructor..Di maniniwala . SA 1 buwan ang 5 araw ganyan agad ang liit Ng tiyan. Hahaha.. eh ako nmn khit my gym structor na . Isang taon bago mabago ang tiyan .hahaha hndi Yan legit."

Tugon naman ni Paolo, "just cuz you can't do it doesn't mean other people can't boss Please check your program again and yung routine nyo.... it doesn't take a year to lose weight lalo na if you know what you're doing."

Pero isang netizen naman ang sumagot din sa naging sagot niya, "Sir factor po nyan is muscle memory mo at alam mo na macros mo kaya ganyan result, this give misconception sa mga baguhan na hindi pa nakapagym or workout,hindi nila kayang it achieve yan ng one month."

Hindi na nag-reply si Paolo sa nabanggit na conversation thread.

Sa kabilang banda, mas marami pa rin ang nagpahatid ng magagandang feedback para sa kaniya at na-inspire tuloy na simulan o ipagpatuloy na rin ang fitness journey.