February 08, 2026

Home BALITA Metro

Magtataho, pinagsasaksak sa Navotas

Magtataho, pinagsasaksak sa Navotas
Photo courtesy: Aj Senson (FB screenshot)

Naiwang nakahandusay at duguan ang isang magtataho sa Tanza 1, Navotas, nitong umaga ng Sabado, Pebrero 7. 

Ang nasabing magtataho ay natagpuan sa Champaca Street, kung saan kilala ito ng maraming netizens bilang si “Tatay Danny.” 

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay AJ Senson, na isa sa mga nakasaksi sa nakahandusay na si Tatay Danny, mga bandang 8:00 hanggang 9:00 ng umaga nangyari ang insidente ng pananaksak, na ayon sa ilan pang mga nakasaksi, ay ginawa daw ng isa pang magtataho sa lugar. 

Saad pa ni AJ, matagal nang alitan sa ruta ng pagtataho ang posibleng dahilan ng pananaksak, base sa mga narinig niya sa ilan pang nakasaksi kay Tatay Danny. 

Metro

May-ari, drayber ng bus na nang-araro ng 9 na sasakyan, lagot sa LTO!

Ni-reshare din ni AJ sa social media niya ang panawagan ng anak ni Tatay Danny na tulong para sa autopsy nito, at saad nito, kasalukuyan pang hindi nahuhuli ang suspek sa pagsaksak. 

Base naman sa pahayag ng Barangay Tanza 1-Navotas City sa Balita noon ding Pebrero 7, kasalukuyan nang iniimbestiga ang insidente ng pananaksak. 

Anila pa, dead on arrival na nang dalhin nila si Tatay Danny sa Tondo. 

Sinubukan na rin daw makipag-usap ng mga pulis sa pamilya ng suspek, na noo’y wala raw sa kanilang bahay. 

Sean Antonio/BALITA