May 21, 2026

Home BALITA Metro

Payout para sa taxi drivers, ikakasa mula Abril 24 hanggang 25

Payout para sa taxi drivers, ikakasa mula Abril 24 hanggang 25
Photo courtesy: LTFRB (FB)

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aarangkada ang payout para sa taxi drivers sa darating na Biyernes, Abril 24 hanggang Sabado, Abril 25, bilang parte ng nagpapatuloy na implementasyon ng Fuel Subsidy Program. 

Ang nasabing payout ay maaaring makuha ng taxi drivers mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Para sa drivers na nasa opisyal na listahan ng LTFRB at DOTr, pinapayuhan na magtungo sa  LTFRB Central Office, East Avenue, Diliman Quezon City. 

Sa drivers naman na hindi kabilang sa listahan, pinapayuhan ang mga ito na magtungo sa Land Transportation Office, Activity Center, East Avenue, Diliman Quezon City, para sa verification at ibang proseso ng pag-claim.

Inaabiso rin ng LTFRB at DOTr sa drivers na tiyaking kumpleto ang mga sumusunod na dokumento bago pumila sa pagkuha ng subsidy: 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

- Original at photocopy ng Professional Driver’s License (na may tatlong specimen signature)

- Photocopy ng ID ng inyong Operator (na may tatlong specimen signature)

- Photocopy ng Franchise

- Certification mula sa Operator (para sa mga driver na kabilang na sa opisyal na listahan, hindi na kinakailangan ang Certification mula sa operator)

Ipinapaalala pa rito na dahil nauna nang nakapagbigay ng fuel subsidy ang LTFRB sa ilang taxi operator at driver, ang payout na ito para lamang sa mga hindi pa nabibigyan. 

Anila pa, para sa maayos at mabilis na transaksyon, hinihikayat ng mga ahensiya ang drivers na sumunod sa itinakdang proseso at tiyaking kumpleto ang kanilang mga dokumento.