February 06, 2026

Home BALITA Internasyonal

Lalaki, nag-treadmill sa loob ng 24 oras

Lalaki, nag-treadmill sa loob ng 24 oras
Photo courtesy: Freepik


Isang lalaki ang matagumpay na nakapag-treadmill sa loob ng 24 oras o katumbas ng isang buong araw.

Ayon sa mga ulat, ang lalaking nasa likod nito ay si Pepe Fiamoncini, isang 35-anyos na lalaki na nagmula sa bansang Brazil.

Ginawa niya ang pagte-treadmill sa isang open-air gym sa Ipanema Beach, sa lungsod ng Rio de Janeiro.

Base pa sa kalkulasyon, umabot sa 188 kilometro ang itinakbo ni Pepe, o katumbas ng higit apat na marathon.

Internasyonal

3 menor de edad na magkakapatid, nagpatiwakal matapos pagbawalang gumamit ng cellphone!

Tumigil lamang nang panandalian ang lalaki kung kinakailangan niyang palitan ang kaniyang sapatos, o kaya naman ay kung pupunta siya ng palikuran.

Sa oras na makatanggap ito ng “validation” mula sa mga opisyal, ito ang magiging ikatlong “Guinness World Record” ni Pepe.

Una niyang nasungkit ang record noong Mayo 2023, matapos niyang tawirin ang Uyuni salt flats sa Bolivia, na may sukat na 170 kilometro sa loob ng halos 33 oras.

Ang ikalawa naman ay noong Oktubre, matapos niyang mag-treadmill sa loob ng 12 oras, na umabot sa 100 kilometro ang katumbas na sukat.

Vincent Gutierrez/BALITA