Umani ng samu’t saring reaksyon at espekulasyon mula sa netizens ang isang cryptic post na ibinahagi sa Instagram story ng Kapuso actress na si Rhian Ramos kamakailan.
Sa naturang post, makikita ang isang larawan na may kalakip na mensahe hinggil sa malalim na pagkilala sa sarili at sa pagiging hindi apektado ng opinyon o paghusga ng ibang tao.
"Turns out the whole point is to know yourself so intimately that no one’s projection or judgment could ever disturb your reality of who you are," mababasa sa ibinahaging quote na nakalagay sa art card.
Photo courtesy: Screenshot from Rhian Ramos/FB
Matatandaang inuulan ng bashing ngayon si Rhian matapos siyang akusahan ng kaniyang driver ng torture at serious illegal detention, kasama ang kaibigang si Kapuso actress-beauty queen Michelle Dee, at isa pang beauty queen na si Samantha Panlilio.
Nag-ugat ito sa sinasabing kinuhang angpao ng driver mula sa kuwarto ni Michelle sa condominium unit na tinutuluyan nila ni Rhian.
Ang nabanggit na angpao ay sinasabing naglalaman ng mga "sensitibong bagay" kaya ganoon na lamang daw ang pagkuha ng tatlo sa umano'y kinuha nito.
Kaugnay na Balita: Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!
Si Michelle naman, nagsampa ng kasong qualified theft laban sa driver.
Kaugnay na Balita: Michelle Dee, kinasuhan ulit ng qualified theft ang driver ni Rhian Ramos