February 04, 2026

Home BALITA Politics

'Insufficient in substance!' Impeachment complaints kay PBBM, dedo sa Kamara

'Insufficient in substance!' Impeachment complaints kay PBBM, dedo sa Kamara

Tuluyan nang ibinasura ng House of Representatives ang dalawang impeachment complaints na nakabala laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026, kapuwa walang nakuhang sapat na boto ang dalawang impeachment complaints na idineklarang insufficient in substance.

Nakakuha ng botong 42-1-3 ang unang impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre De Jesus habang 7-39-0 naman ang nakuhang boto ng reklamong inihain ng Makabayan Bloc.

Samantala, sa panayam ng media kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, tahas niyang pinuna ang naging desisyon ng justice committee.

Politics

Rep. Sandro sa desisyon ng impeachment ni PBBM: 'I think it’s best for me not to comment!'

“Sabi nila wala raw ebidensya, sabi nila hindi raw impeachable ang mga offense na nasa complaint. Hindi po yun ang tungkulin ng mga kinatawan ng justice committee,” ani Tinio.

Hirit pa niya, “Hindi nila tungkulin na mag-abogado para sa Presidente.”

Noong Enero 19 nang unang ihain ang kauna-unahang impeachment laban kay PBBM sa pangunguna ni Atty. De Jesus.

KAUGNAY NA BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Habang ang ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM ay pormal na naihain noong Enero 22.

KAUGNAY NA BALITA:  ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM

Wala pang inilalabas na pahayag ang Palasyo hinggil sa desisyon ng Kamara.