February 06, 2026

Home SHOWBIZ

Daniel Padilla tatamaan ng mild stroke, sey ni Rudy Baldwin

Daniel Padilla tatamaan ng mild stroke, sey ni Rudy Baldwin
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Pixabay

Tila health issue ang poproblemahin ni Kapamilya star Daniel Padilla ayon sa fortune teller na si Rudy Baldwin.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Martes, Enero 6, isa-isang inilatag ni Rudy ang posibleng mangyari sa 2026.

Una niyang tinalakay ang pagdating umano ng mas malalang mga kalamidad tulad ng bagyo at baha. 

“Itong hamon ng kalikasan sa taong 2026, marami pong mamamatay. Worst, worst,” saad ni Rudy.

Relasyon at Hiwalayan

Kung ayaw masilip manatili sa pribadong lugar! Ogie Diaz pinayuhan sina Kathryn Bernardo, Mark Alcala

Maki-Balita: Rudy Baldwin sa magiging pinsala ng kalamidad sa 2026: ‘Maraming buhay ang mawawala’

Matatandaang nauna nang ibahagi ng fortune teller ang prediksyon na ito sa isa niyang vlog noon pang Oktubre 2025 kung saan tinawag niya bilang “bloody year” ang 2026.

Kasunod nito, kapalaran naman ng mga showbiz personality sa hinaharap ang hinulaan niya. Kabilang na rito si Daniel na tatamaan umano ng mild stroke.

Aniya, “Hindi ko sinasabi ngayong taon, ha. Ang magiging problema sa kaniya [ay] mild stroke kapag nag-overweight.”

“Kaya sikapin niyang huwag mag-overweight. Kapag nag-overweight siya, pansinin niya minsan parang hirap siyang huminga. Basta iwasan niya [mag-overweight],” dugtong pa ni Rudy.

Samantala, bagama’t iniinda ni Daniel ang pagiging sensitibo ng mata niya sa liwanag, wala pa namang naiuulat na health issue tungkol sa kaniya, partikular sa sakit na maiuugnay sa mild stroke.