Usap-usapan ng mga netizen ang pag-flex ng Sangguniang Panlalawigan member sa Ilocos Sur na si Vic Singson sa kaniyang girlfriend na si dating presidential daughter Veronica "Kitty" Duterte sa kanilang bakasyon kamakailan sa Boracay.
Si Vic ay apo ni dating Ilocos Sur governor Luis "Chavit" Singson.
Kamakailan lamang, nagkalat sa social media ang mga kuhang larawan ng dalawa habang nasa Boracay beach kasama ang iba pa nilang circle of friends.
Sa isang larawan, makikitang nasa bangka si Kitty kasama ang ilang tao habang tila nakahawak siya sa dalawang braso, na pinaniniwalaan ng ilang netizens na pagmamay-ari umano ni Vic.
Sa isa pang video na ipinost ni Kitty, makikita naman siyang naglalakad sa mababaw na bahagi ng dagat habang palubog ang araw, kasama ang isang lalaking matagal nang iniuugnay ng mga netizens kay Vic. Magkaakbay na naglakad ang dalawa sa dalampasigan habang nababalot ng kulay orange na liwanag ng dapithapon ang buong beach.
Sa Instagram post naman ni Vic, makikita ang ilang dump photos ng nabanggit na getaway, kabilang na ang halikan nila ng GF habang karga niya ito.
"Haven’t been posting much," saad ni Vic sa caption ng post niya.
Sa comment section, makikita naman ang komento rito ni Kitty.
"i love you!" sey ni Kitty.
Reply naman ni Vic, "i love you!"
Sa comment section, marami naman ang kinilig sa kanilang dalawa, at dasal pa raw na sana, maprotektahan ang relasyon nilang dalawa at hindi masira.
"LORD please protect this couple at all costs keep their love strong, pure, lasting and may YOU cover their relationship with love, peace and protection"
"Favorite couple"
"Stay strong sa inyo"
"Love you both!"
Tila kumpirmasyon ito sa real score sa pagitan nilang dalawa. Kahit hindi taga-showbiz si Kitty, in fairness, maraming curious sa mga detalye at impormasyon tungkol sa kaniya, lalo na sa buhay pag-ibig.