Usap-usapan sa social media ang pag-share ni Jam Ignacio sa larawan ng DJ/influencer na si Jellie Aw, na tila nagpapahiwatig daw ng umano'y pagbabalikan nilang dalawa bilang magkarelasyon.
Matatandaang oong Pebrero, umani ng atensyon ang ang "bugbugan issue" sa pagitan nilang dalawa nang ibahagi ni Jellie ang mga larawan ng sarili niyang mukha na umano’y binugbog sa loob ng sasakyan ng noo'y karelasyong si Jam, na ex-boyfriend naman ng TV host-actress na si Karla Estrada.
Pormal ding nagsampa ng reklamo laban kay Jam si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng insidenteng iyon.
Hindi naglaon, humingi ng tawad si Jam kay Jellie at umapela para sa pagkakaayos ng relasyon nila.
Bago matapos ang 2025, nito ngang Disyembre, nagulantang ang mga netizen sa pagbabahagi ni Jam sa larawan ni Jellie.
Mababasa sa text caption ng larawan, “Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita.”
Photo courtesy: Screenshot from Jam Ignacio/IG
Agad namang pinuntahan at sinilip ng mga netizen ang social media account ni Jellie.
Tila mas tumibay pa ang espekulasyon ng mga netizen na muli silang nagkabalikan at nagkapatawaran dahil sa post ni Jellie.
Mababasa, "kakatuwa dami nyong Time sa buhay ko kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?"
Photo courtesy: Screenshot from Jellie Aw/FB
Ang sumunod na mga talata ay para naman sa pamimigay niya ng pang-Noche Buena sa sampung mapipiling followers niya.
Noong Abril, nauna nang tsinika ng social media personality na si Xian Gaza na tila nagkabalikan na raw ang dalawa.
Kaugnay na Balita: Jam Ignacio at 'binugbog' niyang si Jellie Aw, nagkabalikan daw?
Hanggang sa kasalukuyan, walang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Jam at Jellie kung magsisilbing kumpirmasyon ito ng tunay na pagbabalikan, o simpleng pagpapahayag lamang ng damdamin ni Jam sa publiko.