February 01, 2026

Home SHOWBIZ

‘Nakakakulo ng dugo!’ Arkin Magalona, bad trip sa buwis na napupunta lang ‘ghost projects’

‘Nakakakulo ng dugo!’ Arkin Magalona, bad trip sa buwis na napupunta lang ‘ghost projects’
Photo courtesy: Ogie Diaz (YT), MB FILE PHOTO

Umiinit umano ang ulo ng anak ng yumaong si “Master Rapper” Francis “Kiko” Magalona na si Arkin “Barq” Magalona kaugnay nang malaman niyang napupunta ang buwis ng taumbayan sa maanomalyang flood-control projects. 

Ayon sa inilabas na panayam ni Ogie Diaz kay Arkin sa kaniyang YouTube nitong Sabado, Nobyembre 8, ibinahagi ni Arkin na nalaman umano niyang malaki na rin daw ang naibayad niyang buwis mula pa noong pagtatrabaho niya sa showbiz sa murang edad. 

“Recently land din ako nagpi-figure out ng mga taxes ko—kasi tax payer ako. Matagal na akong tax payer since bata pa lang nagtatrabaho na ako sa showbiz,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “may accountant kami, kinausap ko. Nalaman ko kung magkano ‘yong binabayaran ko sa taxes, tapos lahat ng news na lumabas about the ‘ghost projects,’ syempre nakakakulo talaga ng dugo kapag nalaman mo, ‘yong binabayaran mong taxes, napupunta lang sa wala? Well, napupunta lang sa bulsa ng iba.” 

'Yung nerbyos ko talaga!' Angel Locsin, nagpasalamat na 'di na-evict si Joaquin sa PBB

Sinang-ayunan din ni Arkin ang tanong ni Ogie kung naiintindihan ba raw niya ang mga nagsasagawa ng kilos-protesta dahil sa “korapsyon” sa gobyerno. 

Dahil rito, tumataas na rin daw ang apoy ni Arkin ng gumawa ng mga kantang sasaklawin ang nangyayari sa korapsyon. 

“Very possible. Kasi marami nang nagtatanong sa akin, ‘bakit hindi mo sundan ‘yong Papa mo na gumawa ka ng political songs?’ At that time, ang isinasagot ko, ‘hindi ko pa randam, e,’” aniya. 

Ani Arkin, gusto raw niya na manggaling mismo sa kagustuhan niya ang paggawa ng kanta at hindi lang dahil anak siya ni Kiko. 

“Gusto ko manggaling talaga sa akin kapag ginaawa ko. Hindi ‘yong parang pili na may ganito si Papa, kailangan ding gumawa ako ng ganoon,” ‘ika niya. 

“Hangga’t sa hindi ko maramdaman na gumawa ng ganoon na kanta, hindi ko talaga gagawin. Kasi hindi na galing sa akin, e[...]” pahabol pa ni Arkin. 

Nakakatulong daw ‘yong galit na nararamdaman niya para paghugutan sa plano niyang gawing kanta. 

“Nakakainis ‘yong ginagawa nila. So, in a way, nakaka-build ng fire sa akin na gumawa ng song,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M., nag-react sa girian kung sino 'King of Pinoy Rap'

Mc Vincent Mirabuna/Balita