Inamin mismo ni "It's Showtime" host at Kapamilya star Anne Curtis na marami rin siyang mistakes na nagawa noon, at hindi rin siya nagkaroon ng "clean image" subalit nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na tumindig para sa kaniya.
Ibinahagi kasi ni Anne ang naging sagot niya sa isang panayam ng lifestyle magazine kung ano sa palagay niya ang "big no-no" ng aspiring artists na nais pumasok sa showbiz.
Sa video clip na ibinahagi niya sa X, natanong muna si Anne kung ano ang maibibigay niyang payo o advice sa mga aspiring actress na nagnanais makapasok sa industriya, at tularan ang naging journey niya.
"You know what if this is something that you're passionate about and feel strongly for, I would have to say that you should continue to dream big, hold on to those dreams but have the patience to work hard for them, because this isn't something that is going to be served to you on a silver platter."
"This is something that you've worked hard for. You might reach that point where you feel defeated, but that doesn't mean that you have to give up on it. You might look for other things to work on but keep hold of that dream. Dream big because I believe they can happen if we've worked hard for them."
Sa follow-up question naman sa kaniya, natanong naman sa kaniya kung ano ang "big no-no" sa showbiz.
"Lacking authenticity," sagot ng aktres at TV host.
Sa kaniyang X post naman, inamin ni Anne na hindi rin naman siya nagkaroon ng "squeaky clean image" sa industriya. Inamin niyang marami rin siyang mistakes na nagawa.
Subalit inamin daw niya ito at publiko at natuto mula rito.
"HAHAHA! I honestly think that’s why I’ve lasted this long in the industry. 28 years!!! I’ve never had a squeaky clean image. I’ve had my fair share of mistakes. Owned up to them publicly and learned from them. Stayed true to my core. Thanks for standing by me everyone," aniya.
Unang naging bahagi si Anne ng GMA Network kung saan nakilala siya sa mga palabas na “Ikaw Na Sana” at ang youth-oriented show na “T.G.I.S.” bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 2004.
Taong 2005 nang tuluyang umangat ang kanyang pangalan matapos gumanap bilang bida sa fantaseryeng “Kampanerang Kuba.” Mula roon ay tuluy-tuloy ang kanyang tagumpay sa Kapamilya Network, kabilang ang pagiging host ng “It’s Showtime” at ang box-office hit na “No Other Woman” kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes, na joint project ng Star Cinema at Viva Films.
Nagbida rin siya sa mga fantaseryeng “Dyosa” at “Dyesebel,” dahilan para bansagan siyang “Dyosa ng Philippine Showbiz.” Bagama’t inaamin niyang hindi siya perpekto pagdating sa pagkanta, patok at laging sold-out ang kanyang mga concert.
Bilang isa sa mga lokal na celebrity na may pinakamaraming tagasubaybay sa social media, malaki rin ang kanyang impluwensya online. Kilala rin siya bilang isang celebrity advocate at nagsilbi bilang National UNICEF Goodwill Ambassador simula 2015.
Noong Nobyembre 12, 2017, ikinasal siya kay celebrity chef Erwan Heussaff, at nabiyayaan sila ng anak na si Dahlia Amélie.
Kasalukuyan, muling sumabak si Anne sa teleserye sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng “It’s Okay To Not Be Okay” kasama si Joshua Garcia, na mapapanood sa Netflix at ABS-CBN platforms.