Nakakaloka ang kulitan nina Unkabogable Star Vice Ganda at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemate at Kapamilya singer Klarisse De Guzman sa latest vlog ng una, na agad na nag-trending sa YouTube channel.
Habang nagluluto ng chicken curry sa isang kusina ay nagchikahan ang dalawa sa naging journey ni Klang sa loob ng Bahay ni Kuya, magmula sa pagtawag sa kaniya ng "Nation's Mowm" hanggang sa mga nakasamang housemates.
Bigla na lamang nauntag ni Meme Vice kung sino sa male housemates ang palagay niya ay mukhang "daks" o may pinagpalang alaga, matapos mapunta ang usapan nila sa male housemates na nakasuot ng gray jogging pants, bagay na pinagpapasalamat pa ni Vice sa kung sinuman daw ang nakaimbento nito.
Walang kagatol-gatol na ang binanggit ni Mowm Klang ay si 4th Big Placer at Kapamilya artist River Joseph.
Sey pa ni Klang, lagi raw niya kasing nakikita ang "Felix Bakat" na alaga ni River kapag nakasuot siya ng gray pants.
"Sinong mukhang daks doon sa mga male..." tanong ni Vice Ganda.
"Totoo ba Meme? Sa nakikita ko si River," sey ni Klang.
"Ah so nakita mo?" pangungulit pa ni Vice.
"Hindi... alam niya rin, inaasar namin siya, ang tawag nga namin 'Oh 'yong lapel mo... 'Oh 'yong lapel mo' gano'n tapos tatawa siya, tatakpan niya... si Esnyr... alam ko na 'yong mga ganiyan ni Esnyr," hirit pa ni Klang.
"Alam mo nang lumuluwa ang mga mata ni Esnyr sa mga pagkakataong 'yon," segunda naman ni Meme.
"Yes... kunwari pa siya eh," saad pa ni Klang.
Pero bago pa man ito sabihin ni Klarisse, kahit naman noon pa, sa kasagsagan ng mga unang buwan, talagang pinagpipiyestahan na rin naman sa social media si River lalo na kapag naka-topless siya at nakasuot nga ng gray pants.
Anyway, si River din ang isinagot ni Klarisse nang tanungin siya ni Vice kung sino sa male housemates ang naguwapuhan siya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si River tungkol sa pambubuking ni Mowm Klang tungkol sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: River Joseph, may 'nilaro' agad pagkauwi sa sariling bahay