Kinaaliwan ng netizens ang naging sagot ni Kapamilya housemate at itinanghal na 4th Big Placer na si River Joseph, nang matanong siya kung ano ang una niyang ginawa pagkatapos ng Big Night ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" noong Sabado, Hulyo 5 at makauwi sa sariling bahay.
Guests kasi siya at iba pang housemates sa Kapuso musical variety show na "All-Out Sundays" noong Linggo, Hulyo 6.
Pilyong sagot ni River, "Pag-uwi ko, nilaro ko 'yong... aso ko. At diretso sa kama... para matulog."
Ibinahagi ni River ang mga nabuong memes tungkol dito, bagay na ikinatawa na lang niya.
Tumatak kasi si River sa loob ng PBB House bilang isang "green flag" pero natatawa naman sa mga "green jokes."
Ka-duo ni River ang Kapuso housemate na si AZ Martinez, na ang tawag sa kanila ay AzVer.