June 17, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Why not?' Priscilla game makatrabaho si John pero sa sampalan scene

'Why not?' Priscilla game makatrabaho si John pero sa sampalan scene
Photo courtesy: Priscilla Meirelles, John Estrada (IG)

Game daw makatrabaho ng beauty queen-model-actress na si Priscilla Meirelles ang estranged husband na si John Estrada, kung sakaling magsama sila sa isang serye o pelikula.

Pero biro ni Priscilla, mas okay raw kung ang role niya ay "sasampalin" niya ang aktor.

"Why not? ‘Yong gusto kong role 'yong parang sasampalin ko siya. Puwede ba? ‘Yong 'How dare you,' pak! Mayro’n ba?” natatawang sabi ng beauty queen-actress.

Kamakailan lamang ay pumirma ng kontrata si Priscilla bilang pinakabagong artist ng Viva Artists Agency.

Events

John Lloyd Cruz may pasilip sa life, bumati ng Father's Day

Pagdating sa usaping pag-ibig ay nakapag-move on na raw si Priscilla, matapos magkaroon ng lamat ang relasyon nila ni John, na aktibo pa rin sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

KAUGNAY NA BALITA: Priscilla, open maka-work si John pero 'di bet magpatuka