May 22, 2026

Home SHOWBIZ Events

Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!

Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!
Photo courtesy: Marina Summers (FB)

Umani ng papuri ang drag queen at performer na si Marina Summers matapos magbigay ng makabuluhang pahayag sa ginanap na Miss Universe Philippines 2026 coronation night noong Sabado, Mayo 2, kung saan siya nagsilbing host.

Sa gitna ng kasabikan at mataas na antas ng kompetisyon sa pageant, binigyang-diin ni Summers ang kahalagahan ng pagpapanatili ng parehong pamantayan hindi lamang sa larangan ng kagandahan kundi pati sa pagpili ng mga lider ng bansa.

Ayon sa kaniya, "The stakes are high, and everybody is understandably invested in this pageant. Let’s just hope we have the same standard when we elect our country’s future leaders.”

Agad namang umani ng suporta at positibong reaksiyon mula sa netizens ang kaniyang pahayag, kung saan marami ang sumang-ayon sa kaniyang panawagan para sa mas mataas na antas ng pamantayan sa pamumuno.

Kilala si Summers sa kaniyang matalas na pananaw at adbokasiya, at muling pinatunayan sa naturang event na ang mga plataporma tulad ng pageantry ay maaari ding maging daan upang maipahayag ang mahahalagang isyung panlipunan.

Events

Bea Windorski sa mga babaeng na-bully dahil sa itsura: 'You need to be enough for yourself!'

Nakilala si Summers bilang runner-up ng "Drag Race Philippines Season 1" at "RuPaul's Drag Race: UK vs the World Season 2."

Gumawa ng kasaysayan si Summers bilang kauna-unahang Filipina transwoman at drag queen na nagsilbing host ng Miss Universe Philippines coronation night.

Samantala, nagwagi naman bilang Miss Universe Philippines 2026 ang pambato ng La Union na si Bea Millan Windorski.

Maki-Balita: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?