June 15, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Bianca Gonzalez, umaasang magiging bigger stars ang ShuKla

Bianca Gonzalez, umaasang magiging bigger stars ang ShuKla
Photo Courtesy: Bianca Gonzalez, GMA News (FB)

Hiniling ni Kapamilya host Bianca Gonzalez ang isang magandang hinaharap sa magka-duo na sina Klarisse De Guzman at Shuvee Etrata.

Sa X post ni Bianca nitong Linggo, Hunyo 15, ibinahagi niya ang ilang nangyari pagkatapos lumabas nina Klarisse at Shuvee sa Bahay ni Kuya.

“Stayed last night after eviction to watch the housemates. Sobrang loved nina Shuvee at Klarisse, hindi lang sa outside world, pero sa loob ng bahay,” saad ni Binaca. 

Kaya naman hindi nakapagtataka nang sabihin niyang ito umano ang pinakamatagal na eviction aftermath na nasaksihan niya sa edisyong ito ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.” 

Teleserye

ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

Dagdag pa niya, “After ng debriefing, grabe yung light and joy na dala ng ShuKla, todo tawa  na sila, making lots of jokes, and sharing stories sa bosses and staff. Hoping for them to be even bigger stars dito sa outside world. ”

Samantala, nakaligtas naman sa eviction night ang duo nina AZ Martinez at River Joseph gayundin sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

Ang duo nina Klarisse at Shuvee ang nakakuha ng pinakamaliit na boto sa tatlong duo na umabot lang ng 31.50%, dahilan para hindi sila makapanatili sa Bahay ni Kuya.

MAKI-BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!