Nagpahayag ng isang “heartfelt” na mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang bunsong anak na si Vincent “Vinny” Marcos, ngayong Linggo, Mayo 17.
“Minsan nasa bundok, minsan nasa dagat, minsan kung saan na naman napadpad. ” panimula ni PBBM.
Aniya pa, sa kabila ng maraming adventures ng anak, hinahangaan niyang nananatili itong puno ng buhay, may kababaang loob, at mabuti, na nag-iiwan ng kasiyahan sa mga taong nakakasalamuha.
“But no matter how far your adventures take you, you’ve always stayed grounded, kind, and full of life and you leave a little happiness with the people you meet along the way,” pagkilala ng Pangulo sa kaniyang bunso.
Kasama si First Lady Liza Marcos, bilang mga magulang, tila hindi mapagsidlan ang pagka-proud nila kay Vinny.
Hiling pa nila, habang nagpapatuloy si Vinny sa kaniyang bagong adventures, magkaroon pa rin siya ng maraming oras para sa pamilya.
“Your mum and I are very proud of the man you’ve become. Keep exploring, keep chasing new adventures, and try not to disappear on us for too long,” ani PBBM.
“Love you, Son! ” dagdag pa niya.