June 15, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (FB)

Tuluyan nang nagpaalam sa Bahay ni Kuya ang magka-duo na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” nitong Sabado ng gabi, Hunyo 14, inanunsiyo ni Kapamilya host Bianca Gonzalez ang paglabas ng dalawa.

Samantala nakaligtas naman sa eviction night ang duo nina AZ Martinez at River Joseph gayundin sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

Ang duo nina Klarisse at Shuvee ang nakakuha ng pinakamaliit na boto sa tatlong duo na umabot lang ng 31.50%, dahilan para hindi sila makapanatili sa Bahay ni Kuya.

Teleserye

'No more pa-tweetums!' FranSeth, todo-tukaan na sa bagong serye

Sumunod naman sina AZ at River na nakakuha ng 31.67%  habang sina Dustin at Bianca ang may pinakamalaki na umabot sa 36.83%.