Naloka ang mga netizen at tagasubaybay ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" kung saan nagkaroon ng bed scene sina Christopher De Leon at Cherry Pie Picache bilang mga magulang ni "Tanggol" na ginagampanan ni Coco Martin.
Batay kasi sa mga takbo ng pangyayari sa kuwento ay nasa poder na ni Ramon (Christopher) si Marites (Cherry Pie), at tila nahulog na nga ang loob niya sa una, dahil sa mga kalupitan niya sa kamay ng mister na si Rigor, na ginagampanan naman ni John Estrada.
Kaya naman, naloka ang mga netizen dahil in fairness daw, malakas naman daw ang chemistry ng tambalang "MaMon."
Kumbaga, siya naman ngayon ang may "affair" matapos ngang pumatok ang tambalan nina Rigor at Lena na ginampanan naman ni Mercedes Cabral.
Pero out na sa kuwento si Lena matapos itong mamatay.
KAUGNAY NA BALITA: Lena, tsinugi na sa 'Batang Quiapo'
Speaking of Batang Quiapo, to the next level na nga ang mga ganap sa serye dahil ang huli ay tatakbo si Tanggol bilang alkalde ng Maynila.
Marami ngang nakakapansin na tila sinasalamin ng serye ang mga tunay na pangyayari sa kasalukuyan, lalo na pagdating sa halalan.