June 15, 2025

Home BALITA Metro

Pangalan ni Mayor Joy Belmonte, ginagamit sa panggagantso

Pangalan ni Mayor Joy Belmonte, ginagamit sa panggagantso
Photo Courtesy: Joy Belmonte (FB)

Patuloy pa rin ang mga masasamang-loob sa paggamit ng pangalan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte para makagawa ng pekeng social media account at makapangloko ng kapuwa.

Kaya sa latest Facebook post ng mayora nitong Sabado, Hunyo 14, inabisuhan niya ang publiko—partikular ang kaniyang mga nasasakupan—kaugnay sa natatangi at opisyal niyang Facebook account na kasalukuyang may 267K likes at 298K followers.

“Please be informed na ITO LAMANG PO ANG OFFICIAL PAGE ng ating alkalde at wala nang iba pa,” sabi sa caption.

Dagdag pa, “[H]indi rin po tayo manghihingi ng inyong contact number para mag-send ng pera sa GCash.”

Metro

Pasaherong PWD pinagbubugbog, sinakal sa loob ng bus

Sa huli, nanawagan siyang i-report nang sama-sama ang mga pekeng account para wala na itong maloko pang ibang tao.

“Salamat po,” pahabol pa ni Mayor Joy.