Tuluyan nang namaalam sa ere ang “Lolong: Bayani ng Bayan” na pinagbibidahan ni Kapuso star Ruru Madrid.
Sa latest Facebook post ni Ruru noong Biyernes, Hunyo 13, sinariwa niya ang naging paglalakbay ng serye mula nang mag-umpisa ito.
“Walong buwan ng buhay ko ang binuhos ko rito. Hindi naging madali. May mga sugat, pagod, at pagkakataong muntik na sumuko,” saad ni Ruru.
“Pero sa bawat laban, mas tumibay ang loob ko,” pagpapatuloy niya. “Mas lumalim ang pagmamahal ko sa ginagawa ko.”
Kaya naman nagsilbi itong paalala sa aktor na hindi ito laging tungkol sa resulta ng katapusan kundi sa paglalakbay na humubog sa kaniya.
“Grateful sa lahat ng dumaan sa laban na ’to kasama ko. At sa inyong sumuporta—salamat.
You’ve been part of my growth,” dugtong pa ni Ruru.
At mukhang hindi pa ito ang huling pagkakataong makikita ng mga fanney si Ruru sa eksena ng pakikipagbakbakan dahil sa huli ay tiniyak niya ang kaniyang pagbabalik.
Matatandaang nagsimulang mapanood ang season 2 ng “Lolong” noong Enero 20.
MAKI-BALITA: Ruru excited, masaya sa ikatlong pagtatapat nila ni Coco