Hindi pa rin talaga tinatantanan ng mga marites ang intrigang may namamagitan kina Lucena City Mayor Mark Alcala at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.
Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” kamakailan, ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang nabasa niyang tsika sa Reddit tungkol sa dalawang binanggit na celebrity.
Ayon sa netizen na nag-post, nakita raw niya sina Kathryn at Mayor Alcala sa BGC noong Hunyo 6, 3 a.m. Hindi na raw niya nagawa pang kunan ng pictures dahil ang bilis daw nagsisakay sa van.
Bukod dito, inispluk din ni Ogie na naispatan umano ang dalawa sa isang derma clinic sa Vertis North.
“Napaka-sweet daw no’ng dalawa. Hindi mapaghiwalay si Mark at si Kathryn. Nakakaloka,” hirit pa ni Ogie.
Pero batay sa comments ng ibang netizen, marami ang duda sa naturang tsika. Ani pa ng ilan, saka na lang daw sila maniniwala kapag may “resibo” na.
Matatandaang unang naiulat sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang tungkol sa umano’y panliligaw ni Mayor Alcala kay Kathryn noong Hulyo 2024.
MAKI-BALITA: Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo?