June 15, 2025

Home SHOWBIZ Events

Balik-Bahay: Maris Racal, latest house guest sa PBB

Balik-Bahay: Maris Racal, latest house guest sa PBB
Photo courtesy: Maris Racal (YT channel)/Pinoy Big Brother (FB)

Ang letrang "M" na hinuhulaang papasok na house guest sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" ay si Kapamilya star Maris Racal, na muling bumalik sa Bahay ni Kuya nitong Sabado, Hunyo 14.

Siya ang panghuli sa apat na big stars na pinahulaang papasok ng BNK.

Nauna nang pumasok sa PBB House ang Kapuso stars na sina Heart Evangelista at Barbie Forteza, at kalalabas lang din ng Kapamilya star na si Gerald Anderson, na dati ring naging housemate bago pinasok ang showbiz.

Si Maris ay dati ring housemate noong 2014, sa "Pinoy Big Brother All In" kung saan ka-batch niya sina Loisa Andalio at Joshua Garcia.

Events

'My mahal, my champion!' Chloe ngiting-wagas sa ginto ni Caloy

Makalipas ang 11 taon, ano nga kaya ang mahalagang gagampanan ni Maris sa PBB House, na binatbat ng eskandalo noong 2024 dahil sa katambal na si Anthony Jennings?

KAUGNAY NA BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony