Nagbigay ng ilang detalye ang aktres na si Ruffa Gutierrez tungkol sa relasyon ng kapatid niyang si Richard Gutierrez kay Barbie Imperial.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hunyo 12, inusisa si Ruffa kung magkarelasyon pa rin ba ang dalawa hanggang ngayon.
Sagot ni Ruffa, “I don’t know. Isa pa ‘yon. Minsan, bumpy. Minsan, okay. Naguguluhan na ako sa kanila.”
Matatandaang nagsimula ang intrigang may namamagitan kina Richard at Barbie matapos lumutang sa social media ang picture nila nang magkasama sa South Korea.
MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?
Sa isang panayam noong Enero, binasag ni Richard ang kaniyang katahimikan tungkol sa real-score nila ni Barbie. Nilinaw din niyang hindi ito ang third party sa relasyon nila noon ng misis niyang si Sara Lahbati.
MAKI-BALITA: Barbie Imperial, hindi 'third party' kina Richard at Sarah