Naghayag ng papuri si Robin Padilla kay Joel Villanueva matapos niyang pag-initan ang kapuwa senador sa isinagawang plenary session sa Senado kamakailan.
Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Biyernes, Hunyo 13, sinabi niya ang mga magagandang katangian ni Villanueva.
Aniya, “Si Senator Joel Villanueva po ay magaling na majority floor leader, beterano kayat matulungin sa aming lahat pagdating sa procedure.”
Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa matapos ipanukala ni Villanueva na i-convene na ang Senado bilang korte para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Naayos din naman agad sa loob ng Senado ang gusot nina Villanueva at Padilla. Sa katunayan, nagkamay pa nga sila at nagyakap.
Kapuwa rin sila bumoto para paboran ang mosyon na ibalik sa House of the Representatives ang Articles of Impeachment laban sa bise-presidente.
MAKI-BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?