May 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga pagkaing ‘ew’ pero masarap!

ALAMIN: Mga pagkaing ‘ew’ pero masarap!
Photo courtesy: Unsplash


Pamilyar ka ba sa iba’t ibang slangs ngayon?

Sa modernong panahon, hindi lang kapaligiran, tao, o ugali ang nagbago—pati ang ilang mga salita.

Tila umusbong kasi ngayon ang ilang slangs na madalas nang gamitin sa kaswal na pag-uusap, sa pagbabahagi ng mensahe, at iba pa.

Kaugnay diyan, trending at hook na hook ang publiko ngayon sa ekspresyong “ew.”

Maliban sa ilan pang slangs na kadalasang ginagamit ng karamihan, isa ito sa mga pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Saan ito nagsimula?

Nag-ugat ang pagiging matunog ng ew sa puksaang nagaganap sa pagitan nina social media creator na si Rosemarie Tan Pamulaklakin at aktres na si Inah de Belen sa isa’t isa.

Tila na-misinterpret daw kasi ni Rosmar ang gamit ng salitang ew.Ayon sa mga komento online, “either way” daw ang kahulugan nito.

Pero tila nagngingitngit sa galit si Rosmar nang maisama ito ni Inah sa isang komento, kung saan hinihiling niya na huwag na siyang iugnay kay Rosmar, sapagkat hindi niya ito kilala.

Dahil sa mga patutsadahang ito, nabuksan ang usapin ng salitang ew matapos ito umanong ma-misunderstand ni Rosmar.

Pero sa usapin naman ng mga pagkaing Pinoy, tila may misinterpretation at misunderstanding din!

Paano nangyari ‘yon?


May mga pagkain kasing hindi kaaya-aya ang amoy o histura, pero sokpa at swak naman ang panlasa!

Narito ang ilan sa mga pagkaing Pinoy na hindi man maganda ang looks at aroma, panalo naman sa sikmura!

1. Buro

Ayon sa pahinang “Yummy,” ang buro ay kadalasang ginagawa gamit ang isang rice porridge at lamang-dagat na gusto ng gagawa nito.

Madalas daw na gawa ito sa hipon, bangus, dalag, o kaya naman ay hito.

Pero dumadaan ito sa fermentation, na siyang nagpapasarap daw sa buro.

Kapag daw inamoy ito, baka raw mabigla o ma-offend ang gagawa nito, pero sigurado raw ang sarap nito!

2. Durian

Hitsura pa lang ng durian, mabibigla na ang lalapit dito. Sa laki at dami ng nakakatusok na parte ng prutas na ito, hindi aasahang may pasabog pa sa loob nito.

Ayon sa pahinang Quill and Pad, ang pagkain daw ng durian ay parang pagkain ng “custard” sa ibabaw ng isang “open sewer.”

May mga nagsabi ring ang amoy daw nito ay pinaghalong gamit na medyas at sibuyas.

Pero sa lasa nito, maituturing daw ito bilang isa sa “best delicacy” sa mundo.

Natural daw na masarap ang lasang hatid ng durian, sadyang hindi lamang malilimutan ang amoy nito.

3. Balut

Lahat ng Pilipino, saan mang panig ng bansa, tiyak alam kung ano nga ba ang balut.

Ayon sa pahinang “Food in History,” ang balut ay isa sa mga pagkaing pinakasikat sa bansa.

Madalas itong ibenta sa paraan ng paglalako, habang malakas na isinisigaw ng tindero ang pangalan nito.

Para sa iba, hindi kaaya-aya ito sapagkat makikita sa loob ang isang sisiw, na sinamahan pa ng sabaw na pinaniniwalaang ihi ng naturang hayop.

Kasama nito ang iba pang parte gaya na lamang ng dilaw at bato.

Pero bida pa rin ito kung ang pag-uusapan ay street foods, sapagkat paresan lang ito ng masarap na suka at asin, swak na ito!

4. Tamilok

Sa hitsura pa lang, tiyak magdadalawang-isip ang isang tao kung kakainin niya ang pagkaing tamilok.

Ayon kasi sa pahinang “Chopstick Travel,” ang tamilok na marahil ang “most scary” at “most insane food” sa Pilipinas.

Human-Interest

'Sana kami rin!' High school sweethearts na umabot sa kasalan, kinakiligan ng netizens

Mukha kasi itong bulate pero sa katotohanan, isa itong mollusk—isang uri ng hayop na walang spine o vertebrae.

Pero ayon sa pahinang Young Pioneer Tours, kinakain daw talaga ang mga tamilok sa lalawigan ng Palawan.

Ginagawa raw itong kinilaw, o kaya naman ay delicacy o prinito, depende sa magluluto at gagawa.

Base sa source, ito raw ay may malapit na lasa sa talaba.

5. Bagoong

May makakalimot ba sa isa sa mga pinakasikat na “condiment” sa bansa?

Kung lasa lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalbog ang bagoong diyan!

Ayon sa “Tasting Table,” nakaka-terrorize daw ang hindi kaaya-ayang amoy ng bagoong—pero hindi maikakailang isa ito sa pinakapaborito at pinakakilalang condiment sa Pilipinas!

Anang source, patok na patok ito sa kanin, sa hilaw na mangga, at siyempre, sa sikat na sikat na kare-kare.

Ano man ang nakahain sa hapag, ang pinakamahalaga ay ipagpasalamat ang mga biyayang dumarating sa bawat isa—gaano man ito kasarap.