Napatanong ang Palasyo sa pahayag na nakalagay sa petisyon ni Atty. Nicholas Kaufman para sa interim release ng kliyente niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa isinagawang press briefing nitong Biyernes, Hunyo 13, binasa ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang pahayag na tila nagpapahiwatig ng pag-amin na gumawa ng krimen ang dating pangulo.
“Nabasa natin na parang ike-claim po nila or ilalagay po nila sa kanilang petisyon 'that Mr. Duterte will not have imperial proceedings if released. Mr. Duterte will not continue to commit crimes.' So in one way or another, the counsel admitted that the former president had committed such crimes,” saad ni Castro.
"Just a question,” paglilinaw niya. “Because they will include in their motion or petition that Mr. Duterte will not continue to commit crimes. So may pag-amin ba rito?"
Pero—ayon sa Palace Press Officer—kung ito man daw ay isang estratehiya, hinihiling niyang mapaniwala sana ng kampo ni Duterte ang mga ICC judge.
Kasalukuyang nakadetine si Duterte sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong “crimes against humanity.” Nakatakda ang kaniyang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025