May 21, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Bato, 'di pwedeng umattend ng impeachment trial via online!

Sen. Bato, 'di pwedeng umattend ng impeachment trial via online!
Photo courtesy: File photo

Nilinaw ng Senado na hindi pa maaaring dumalo o makilahok si Sen.Ronald “Bato” dela Rosa sa plenary sessions at impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng teleconference o online setup, alinsunod sa kasalukuyang panuntunan ng Senado.

Batay sa Rule XIV, Section 41 ng Senate rules, maaari lamang magsagawa ng session sa pamamagitan ng teleconference, video conference, o iba pang electronic means kung mayroong “force majeure” o national emergency na pumipigil sa pisikal na pagdalo ng mga senador sa session hall.

Dahil dito, hindi pa maaaring gamitin ni Dela Rosa ang remote participation sa mga sesyon at sa impeachment proceedings hangga’t walang pagbabago sa umiiral na rules ng Senado.

Nauna nang naghain si Sen. Rodante Marcoleta ng mosyon noong Mayo 11, 2026 upang amyendahan ang Senate rules at payagan ang isang senador na dumalo sa sesyon sa pamamagitan ng teleconference kung may “justifiable reasons.”

Bagama’t walang tumutol sa mungkahi, ipinasa ito sa Senate committee on rules para pag-aralan.

Politics

Anti-dynasty bill, pasado na sa 2nd reading sa Kamara!

Naging usap-usapan ang isyu matapos umalis si Dela Rosa sa Senate premises, kung saan siya nasa ilalim umano ng protective custody, kasunod ng inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaniyang umano’y papel sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, sinamantala gulo sa Senado para tumakas—Misis

Hindi ito ang unang pagkakataon na iminungkahi ang remote participation ng isang senador. Noong 2019, naghain sina dating Senate Majority Leader Franklin Drilon at dating senador Panfilo “Ping” Lacson ng resolusyon upang payagang makadalo si dating Sen. Leila de Lima sa plenary sessions sa pamamagitan ng teleconferencing habang nakakulong ito.

Gayunman, nanatili lamang sa committee level ang naturang panukala at hindi naisabatas.